Tsina: Dapat agarang itigil ng Amerika ang pagsira sa matatag na kalagayan sa Tibet

2020-10-21 15:22:41  CMG
Share with:

 

Tsina: Dapat agarang itigil ng Amerika ang pagsira sa matatag na kalagayan sa Tibet_fororder_zhaolijian02

Dapat itigil ng Amerika ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina gamit ang isyu ng Tibet bilang katwira. Dapat din nitong itigil ang pagsira sa katatagan at kaunlaran ng Tibet, at itigil ang pagsuporta sa mga grupong nagsusulong ng pagsasarili ng Tibet. Kung hindi, isasagawa ng Tsina ang lahat ng kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang sarili nitong kapakanan.

 

Ipinahayag ito Oktubre 20, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na presscon sa Beijing.

 

Ayon sa pahayag ng umano’y "Tibetan government-in-exile" nitong Oktubre 16, 2020,   nakipagtagpo nang araw rin iyon si Lobsang Sangay, ang “Kalon Tripa”, kay Robert Destro, Assistant Secretary ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, at "special coordinator for Tibetan issues”.

 

Ipinahayag ni Zhao na ang pagtatalaga ng umano’y “special coordinator for Tibetan issues” ng Amerika ay pulitikal na manipulasyon, na naglalayong makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina at sirain ang pag-unlad at katatagan ng Tibet.

 

Buong tatag itong tinututulan ng Tsina, at hindi kailaman kikilalanin ito. Iniharap na ng Tsina ang solemnang representasyon sa Amerika, saad ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Please select the login method