Sa mula’t mula pa’y, pawang pinaninirang-puri ang mga ipinapalabas ng Australian Strategic Policy Institute (ASPI) hinggil sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan ng Citizens Party ng Australya na ang ASPI ay kagamitan sa propoganda kontra sa Tsina.
opisyal na website ng Citizens Party
Ayon sa artikulo na inilathala kamakailan sa opisyal na website ng Citizens Party, ang ASPI ay organisasyong magkakasamang pinopondohan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, mga pamahalaan ng ilang bansa, North Atlantic Treaty Organization (NATO) at ilang transnasyonal na taga-gawa ng sandata.
Dagdag ng artikulo, layon ng ASPI na pilitin ang Australya na sundin ang kagustuhan ng Amerika, at siraang-puri ang Tsina.
opisyal na website ng Citizens Party
Ang ASPI ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagsira sa relasyong Sino-Australyano, saad pa ng naturang artikulo.
Sinabi pa ng artikulo na si Clive Hamilton ay isang anti-Tsinang iskolar na madalas na magpakalat ng pekeng impormasyon hinggil sa di-umano’y “banta mula sa Tsina”.
Bukod dito, iniulat din ng APAC News, indipindiyenteng media ng Australya na natamo ng ASPI ang ilang milyong dolyares na pondo mula sa pamahalaan at kompanyang dayuhan.
APAC News
Karamihan sa mga pondong ito ay mula sa kompanyang sapilitang nagpapatrabaho sa mga bilanggo, ayon pa sa APAC News.
Sa kabila nito, binabatikos ng ASPI ang umano’y “problema sa karapatang pantao” sa Tsina.
Kaya naman, sobrang katawa-tawa ang mga gawain ng ASPI.
Salin:Sarah