Lalo pang palalawakin ng Tsina ang pangangailangang panloob at pagbubukas sa labas, para ibahagi ang mas maraming benepisyo ng pag-unlad a sa buong daigdig.
Ito ang ipinahayag Oktubre 21, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Sinusubaybayan kamakailan ng mga media sa loob at labas ng Tsina ang mga estadistikang pang-ekonomiya ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhao na naging positibo ang paglaki ng kabuhayang Tsino noong unang tatlong kuwater ng 2020, ito ay lubos na nagpakita ng lakas ng kabuhayang Tsino.
Ang Tsina aniya ay mayroong nasa 1.4 bilyong populasyon, na bumubuo sa napakalaking pamilihan at malakas na potensyal para sa pangangailangang panloob.
Ito’y tiyak na magkakaloob ng mas masigla at sustenableng puwersang tagapagpasulong para sa paglaki ng kabuhayan ng Tsina at buong daigdig, diin ni Zhao.
Salin:Sarah