Idinaos mula noong Oktubre 21, 2020, sa Beijing, ang Annual Conference of Financial Street Forum 2020, na may temang “Kooperasyon at Reporma sa Pinansya sa Nababagong Kalagayan ng Buong Mundo.”
Inorganisa sa naturang taunang komperensiya ang mga sub-porum na mayroong iba’t ibang tema na tulad ng “serbisyo at pag-unlad sa pinansyo,” “teknolohiya at inobasyon sa pinansyo,” at iba pa.
Ipinalalagay ng mga kalahok na sa background ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang pagsigla at pagbangon ng kabuhayang Tsino ay makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayan ng buong daigdig.
Dapat anilang magkaisa ang iba’t ibang bansa para magkakasamang harapin ang nagbabagong kalagayan.
Salin:Sarah