Mabuting paglaki ng ekonomiyang Tsino, pinapurihan ng mga media ng Asya at Aprika

2020-10-22 18:16:28  CMG
Share with:

 

 

Mataas na pinahahalagahan ng mga media ng Asya at Aprika ang mabuting estadistikang pang-ekonomiyang ng Tsina noong unang tatlong kuwarter ng 2020.

 

Sunud-sunod na inilabas ng Al-Ahram Newspaper ng Ehipto at Daily Nation ng Kenya, ang mga ulat na nagsasabing malakas ang tunguhin ng paglaki ng kabuhayang Tsino, at ito ay naging pangunahing puwersang tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Mabuting paglaki ng ekonomiyang Tsino, pinapurihan ng mga media ng Asya at Aprika_fororder_01

Al-Ahram Newspaper ng Ehipto

Mabuting paglaki ng ekonomiyang Tsino, pinapurihan ng mga media ng Asya at Aprika_fororder_0202

Daily Nation ng Kenya

sa kanyang panayam sa Economic Daily ng Tsina, ipinahayag ni Anil Sooklal, dating opisyal ng Ministring Panlabas ng Timog Aprika, na ang tagumpay ng paglaki ng kabuhayang Tsino ay mula sa mga mabisang hakbanging mabilis na isinagawa ng pamahalaang Tsino sa harap ng COVID-19, at pagsusulong ng ideya ng pagtatatag ng bagong estruktura ng pag-unlad.

Ipinahayag naman ni Takamisawa Manabu, Ekonomista ng Hapon, na mahirap ang pagpapasulong ng kabuhayan sa background ng pagkontrol sa pandemiya, pero nahanap ng Tsina ang magandang balanse.

Mabuting paglaki ng ekonomiyang Tsino, pinapurihan ng mga media ng Asya at Aprika_fororder_03

Takamisawa Manabu, Ekonomista ng Hapon

Ang estadistikang pang-ekonomiya ng kabuhayang Tsino noong unang tatlong kuwarter ay umakit din ng pansin ng mga media mula sa Timog Korea.

 

Positibong pinahahalagahan ng Korea Economic Daily ang mga datos na ito.

 

Bukod pa riyan, ipinalalagay ni Song Kyungjin, Direktor ng FN Global Issues Center ng T. Korea, na ito ay nagpakita ng positibong kalagayan ng kabuhayang Tsino.

Mabuting paglaki ng ekonomiyang Tsino, pinapurihan ng mga media ng Asya at Aprika_fororder_0404

Song Kyungjin, Direktor ng FN Global Issues Center ng T. Korea

Ang pagbango ng kabuhayang Tsino ay maganda rin para sa mga kapitbansa nito na kinabibilangan ng T. Korea, Hapon at iba pa, saad niya.

 

Salin:Sarah

Please select the login method