Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagpasok ng Chinese People's Volunteers (CPV) army sa Hilagang Korea para tumulong sa digmaan kontra Amerika, iginawad kamakailan ng Tsina ang mga medalyang pang-alaala sa mga beterano ng naturang hukbo.
Ang paggagawad ng naturang mga medalya ay simbolo ng katotohanan, na ang pagtulong ng Tsina sa Hilagang Korea kontra agresyon ng Amerika ay makatarungang digmaan para pangalagaan ang kapayapaan at labanan ang pananalakay.
Ito rin ay nangangahulugan na ang dakilang diwang isinasaad sa digmaang nabanggit ay napakahalagang yamang palaging ini-ingatan ng mga mamamayang Tsino.
Ipinakikita rin nito ang matatag na determinasyon at malakas na kompiyansa ng Tsina sa paglaban sa mga kaaway, pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig, at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng daigdig para sa sangkatauhan.
Salin: Liu Kai