Nakabangon na sa ngayon ang kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko, nakahulagpos sa resesyong dulot ng pandemiya ng COVID-19, pero iba-iba ang bilis ng ibat ibang ekonomiya.
Ang naturang obserbasyon ay mula sa Asia-Pacific Economic Outlook na isinapubliko nitong Oktubre 21, 2020, ng International Monetary Fund (IMF).
Ayon sa pagtaya ng IMF, posibleng umabot sa 2.2% ang pagbaba ng kabuhayan sa Asya-Pasipiko sa 2020. Aabot sa 4% ang pagbaba ng kabuhayan sa mga maunlad na ekonomiya at aabot sa 1.6% sa mga bagong pamilihan at umuunlad na ekonomiya.
Naisakatuparan ng kabuhayang Tsino ang malaking pag-ahon dahil sa kalagayan nito sa ikalawang kuwarter, at may pag-asang lalaki ng 1.9% ito sa buong 2020, na magiging tanging ekonomiya na may positibong paglaki ng kabuhayan sa lahat ng pangunahing ekonomiya sa taong ito.
Inaasayang magkakaroon ng 6.9% na paglaki sa kabuhayan ng Asya-Pasipiko sa 2021, ayon pa sa IMF. Lalaki ng 2.8% ang mga maunlad na ekonomiya at lalaki ng 8% ang mga bagong pamilihan at umuunlad na ekonomiya. Lalaki ng 8.2% ang kabuhayan ng Tsina at lalaki ng 8.8% ang kabuhayan ng India.
Salin:Sarah