Sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na igigiit ng kanyang bansa ang mapayapang pag-unlad.
Winika ito ni Xi sa pulong na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-23 ng Oktubre 2020, sa Beijing, bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng paglusob ng Chinese People's Volunteers (CPV) army sa Hilagang Korea para makidigma kontra Amerika.
Binigyang-diin niyang, bilang responsableng malaking bansa, iginigiit ng Tsina ang mga komong ideya na pinapahalagahan ng sangkatauhan na gaya ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay, katarungan, demokrasya, at kalayaan.
Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai