“Investigation Report on Employment of Ethnic Minorities in Xinjiang,” batay sa katotohanan at maasahang materiyal at datos

2020-10-24 15:15:14  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng paglalakbay-suri at malalim na imbestigasyon, sinulat at inilabas kamakailan ng Xinjiang Development Research Center ang “Investigation Report on Employment of Ethnic Minorities in Xinjiang” kung saan ipinalalagay nitong nagiging boluntaryo at malaya ang paghahanap-buhay ng mga etnikong minoriya sa Xinjiang.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Biyernes, Oktubre 23, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing ulat ay nagpapakita ng tunay na kalagayan ng paghahanap-buhay at trabaho ng etnikong minoriya sa Xinjiang. Aniya, batay ito sa katotohanan at maasahang materiyal at datos.

 

Dagdag pa niya, umaasa at nananalig ang panig Tsino na papanigan ng parami nang paraming personahe ng komunidad ng daigdig ang katotohanan at tututulan ang mga kasinungalingan.

 

Salin: Lito

Please select the login method