Gobernador ng New York, nagpasalamat sa ibinigay na tulong ng panig Tsino

2020-10-24 15:16:15  CMG
Share with:

Ipinalabas kamakailan ni Andrew Cuomo, Gobernador ng estadong New York ng Estados Unidos, ang bagong aklat na “American Crisis” kung saan positibong pinapurihan ang natamong tagumpay ng Tsina sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19 at pinasalamatan ang ibinigay na malaking tulong ng panig Tsino sa panig Amerikano sa usaping ito. 
 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Biyernes, Oktubre 23, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay tunay na pagpapakita ng pagtutulungan ng mga mamamayang Tsino at Amerikano sa paglaban sa pandemiya.
 

Ani Zhao, dapat magkaisa ang Tsina at Amerika sa paglaban sa pandemiya para magkasamang mapangalagaan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig. Matapat na umaasa ang panig Tsino na makokontrol ng Amerika ang kalagayan ng pandemiya sa lalong madaling panahon, at nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magkaloob hangga’t makakaya ng tulong sa mga mamamayang Amerikano upang pagtagumpay ang pandemiya, dagdag pa niya.

 

Salin: Lito

Please select the login method