Kaugnay ng muling pagkahalal kamakailan ng Tsina bilang kasapi ng Human Rights Council sa Ika-75 United Nations General Assembly, sinabi ni Robert Lawrence Kuhn, ekspertong Amerikano sa isyu ng Tsina, sa kanyang programa sa China Global Television Network, na natamo ng Tsina ang kapansin-pansing progreso sa pangangalaga sa karapatang pantao.
Ani Kuhn, ang mga natamong progreso ay sumasaklaw sa mga aspektong kinabibilangan ng pagbabawas ng di-pagkakapantay-pantay sa lipunan, pagpapasulong ng mas maginhawa at masaganang pamumuhay ng mga mamamayan, at mga bagong isyu sa bagong panahon na gaya ng proteksyon sa data privacy.
Ipinalalagay din ni Kuhn, na bagama’t umiiral ang pagkakaiba sa pagitan ng mga bansang kanluranin at Tsina sa isyu ng karapatang pantao, kailangan nilang kilalanin ang mga natamong progreso ng Tsina sa pangangalaga sa karapatang pantao, at unawain ang paraan ng Tsina sa pagharap sa isyung ito.
Salin: Liu Kai