Makukulay na aktibidad para sa matatanda, idinaos ng Tsina kaugnay ng Chong Yang Festival

2020-10-25 18:05:34  CMG
Share with:

Sa bisperas ng Chong Yang Festival o Double Ninth Festival, tradisyonal na kapistahan ng Tsina, idinaos kamakailan sa iba’t ibang lugar ng Tsina ang makukulay na aktibidad bilang pagbibigay-galang sa matatanda.

 

Sa lunsod ng Xi’an sa kanlurang Tsina, idinaos ang group birthday party para sa matatanda, at itinanghal ang mga palabas na pansining na kanilang kinagiliwan.

 

Sa lunsod ng Shanghai sa silangang bansa, idinaos naman ang seremonya bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng kasal ng tatlong matandang mag-asawa.

 

Sa Xingtai, lunsod sa hilagang Tsina, ipinagkaloob naman ang libreng health check sa matatanda.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method