Ngayong araw, Linggo, ika-25 ng Oktubre 2020, ay Chong Yang Festival o Double Ninth Festival, tradisyonal na kapistahan ng Tsina bilang pagbibigay-galang sa matatanda.
Bilang lider ng Tsina, laging ipinakikita ni Pangulong Xi Jinping ang paggalang sa mga may-edad, at lubos din niyang pinahahalagahan ang usaping may kinalaman sa matatanda.
Kaugnay nito, ginawa niya ang mga pahayag sa maraming okasyon.
Noong Disyembre 28, 2013, bumisita si Xi sa isang senior citizens’ home sa Beijing, at kinumusta ang matatanda roon.
Binigyang-diin niya na nararapat ang pagbibigay-tulong sa matatanda bilang komong responsibilidad ng buong lipunan.
Hiniling din niya ang maayos na pag-aalaga sa matatanda, pagkakaloob ng matatag na pinagmumulan ng pondo para sa kanilang pangangailangan sa buhay, at paggarantiya sa kanilang maligaya at ligtas na pamumuhay .
Noong Nobyembre 17, 2017, nakipagtagpo si Xi sa mga kinatawan ng mga national ethical role model ng Tsina sa Great Hall of the People sa Beijing.
Habang naghahanda para sa group photo, nakita ni Xi ang dalawang matandang kinatawan na kasamang nakatayo ng mga iba pa.
Inayayahan sila ni Xi para umupo sa tabi niya.
Kaugnay nito, sinabi ni Xi, na ang paggalang sa matatanda ay tradisyonal na kabutihan ng nasyong Tsino na dapat igiit.
Noong Nobyembre 6, 2018, sa kanyang paglalakbay-suri sa Shanghai, bumisita si Xi sa isang lokal na sentro ng paglilingkod para sa mga matatanda.
Pagkaraang ipaalam ng ilang matatanda kay Xi ang tungkol sa kani-kanilang maligayang pamumuhay, sinabi niyang ang pagiging maligaya, malusog, at pagkakaroon ng magandang buhay ng matatanda ay komong hangarin ng lahat.
Noong Pebrero 3, 2019, sa kanyang talumpati sa resepsyon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year, sinabi ni Xi, na dapat buong husay na harapin ang isyu ng population ageing, buong sikap na tugunan ang lumalaking pangangailangan ng matatanda sa aspekto ng materyal at kultura, at buong lakas na pasulungin ang iba’t ibang usapin at sektor ng paglilingkod sa matatanda.
Reporter: Liu Kai