Pag-aproba ng Tsina sa pangkagipitang paggamit ng bakuna kontra COVID-19, katanggap-tanggap at makatwiran - eksperto

2020-10-25 18:06:18  CMG
Share with:

Sa panayam kahapon, Sabado, ika-24 ng Oktubre 2020, sinabi ni Lance Rodewald, nakatataas na tagapayo para sa National Immunization Program ng Centers for Disease Control and Prevention ng Tsina, na katanggap-tanggap at makatwiran ang pag-aproba ng Tsina sa pangkagipitang paggamit ng bakuna kontra Coronavirus Diseae 2019 (COVID-19) sa mga taong may mataas na peligro sa pagkahawa ng sakit na ito.

 

Ipinaliwanag ni Rodewald, na ang mga bakunang gagamitin ng Tsina ay nakapasa sa phase I at II clinical trial, at maalwan din hanggang ngayon ang phase III clinical trial.

 

Ito aniya ay inisyal na patnubay para sa kaligtasan at bisa ng mga bakunang ito.

 

Tinukoy din ni Rodewald, na kinakailangan ang ibayo pang pag-obserba at pagsusuri, para makumpirma ang pangmatagalang bisa ng mga bakunang idinedebelop ng Tsina o ng ibang bansa.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method