Beijing, Oktubre, 25, 2020 – Inilabas sa merkado ng China Media Group (CMG) ang mga audio-video product at babasahin bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pakikidigma ng Chinese People's Volunteers (CPV) Army laban sa pananakop ng Amerika sa Hilagang Korea.
Kabilang sa naturang mga programa ay tatlong dokumentaryo, kung saan inilakip ang mga historikal na materyal tungkol sa nabanggit na digmaan at panayam sa mga beterano ng hukbong CPV.
Ang isa pa ay palabas na pansining bilang paggunita sa anibersaryong ito.
Samantala, itinanghal din ang mga programa sa iba't ibang TV channel ng CMG, at umabot sa 1.9 bilyong person time ang bilang ng mga manonood ng mga ito.
Lumahok sa seremonya ng pagpapalabas si Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at mga namamahalang tauhan ng mga ahensiya at kompanya ng paglilimbag at pagmamahagi ng mga produktong ito.
Salin: Liu Kai