SiTatiana Valovaya, Direktor Heneral ng Tanggapan ng UN sa Geneva (file Photo)
Sa okasyon ng Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng United Nations (UN), kinapanayam ng China Media Group (CMG) si Tatiana Valovaya, Direktor Heneral ng Tanggapan ng UN sa Geneva.
Ipinahayag ni Valovaya na sa isang imbestigasyon na nilahukan ng mahigit 1 milyong katao mula sa ibat-ibang lugar ng daigdig, mga 87% ay umaasang mapapalakas ang Sistema ng multilateralismo, maisasagawa ang mas maraming kooperasyong pandaigdig, at nakahanda silang suportahan ang mga gawain ng UN.
Pinapurihan din ni Valovaya ang Tsina na palagiang naggigiit ng multilateralismo, at nangangalaga sa pandaigdigang sistema kung saan, ang nukleo ay UN.
Ang suporta ng Tsina ay gumaganap ng malaking impluwensiya sa pag-unlad ng multilateralismo, saad niya.
Sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nananawagan aniya ang UN sa buong daigdig upang magkaisa para harapin ito.
Aniya, lubos na pinahahalagahan ng UN ang paglahok ng Tsina sa COVID-19 vaccine Global Access Facility (COVAX), at suporta sa usaping ito ng lahat ng may-kinalamang bansa.
Sinabi ni Valovaya na sa mga suliraning pandaigdig sa hinaharap, napakahalaga ang multilateralismo.
Dapat magkaisa at mahigpit na magkooperasyon ang iba’t ibang bansa para isakatuparan ang mas magandang kinabukasan ng mga mamamayan ng buong daigdig, diin niya.
Salin:Sarah