Tsina, isasagawa ang sangsyon sa mga kompanyang Amerikano na may kinalaman sa arms sale sa Taiwan

2020-10-27 13:26:54  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pag-aproba ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa pagbebenta ng sandata sa Taiwan, ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 26, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na upang mapangalagaan ang interes ng bansa, ipinasiya ng panig Tsino na patawan ng sangsyon ang mga kompanyang Amerikano na sangkot sa arms sale sa Taiwan na gaya ng Lockheed Martin, at maging ang mga kaukulang indibiduwal at organong Amerikano na may kinalaman sa  proseso ng pagbebenta ng sandata sa Taiwan. 
 

Sinabi ni Zhao na ang pagbebenta ng panig Amerikano ng sandata sa Taiwan ay matinding lumalabag sa prinsipyong “Isang Tsina” at tatlong “Magkasanib na Komunike” ng Tsina at Amerika. Malubha rin itong nakakapinsala sa soberanya at kapakapang panseguridad ng panig Tsino, aniya pa.

 

Salin: Lito

Please select the login method