Sa tulong ng E-commerce, umabot noong isang taon sa 1.7 trilyong yuan RMB ang halaga ng online retail sales ng mga produktong agrikultural sa kanayunan ng Tsina. Malaki ang ambag nito sa pagbabawas ng karalitaan sa kanayunan.
Ang impormasyong ito ay inilabas sa pulong na idinaos kamakailan sa Guiyang, lunsod sa timog kanlurang Tsina, tungkol sa usapin ng pagbibigay-tulong sa mahihirap sa pamamagitan ng digital service.
Ayon pa rin sa estadistika, sa kasalukuyan, ang napakabilis na fiber optic network ay sumasaklaw sa 98% ng mga nayon sa Tsina, 98.7% ng mga elementary at high school sa kanayunan ay may internet access, at naipagkakaloob ang telemedical service sa lahat ng mga ospital sa kanayunan.
Salin: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos