Malugod na tinatanggap ng Tsina ang pagdalaw ng iba’t ibang bansa sa Xinjiang

2020-10-27 18:18:47  CMG
Share with:

 

 

Malugod na tinatanggap ng Tsina ang pagdalaw ng mga kaibigan mula sa iba’t ibang bansa na kinabibilangan ng mga bansang Islamiko at Arabe, sa Xinjiang. Hangad din ng Tsina na maikuwento nila ang isang makatotohanan, maganda at makulay na Xinjiang sa buong mundo.

 

Ipinahayag ito Oktubre 26, 2020, sa preskon ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Kilala ang bunga ng Xinjiang sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, paghulagpos ng kahirapan, pagkakaisa ng iba’t ibang nasyonalidad, pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao, paglaban sa terorismo at ekstremismo, at pang mga ibang larangan, saad ni Zhao.

 

Dumalaw mula noong Oktubre 19 hanggang 22 sa Xinjiang ang mga diplomata mula sa 20 bansang Arabe at bansa ng League of Arab States.

 

Positibong pinahahalagahan ng dalaw na diplomatiko ang bunga na natamo ng Xinjiang sa iba’t ibang larangan.

 

Walang katibayan ang kasinungalingan na ikinakalat ng ilang bansa hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao sa Tsina at Xinjiang, tinukoy nila.

 

Ipinalalagay nila na napakahalagang aral para sa ibang bansa ang karanasan ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo at ekstremismo.

 

Nakahanda silang magbigay ng ambag para sa aktuwal na kooperasyon ng Xinjiang at mga bansang Arabe.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method