Tsina, nakahandang pasulungin ang komprehensibo’t mabisang pagpapatupad ng Paris Agreement

2020-10-27 15:43:09  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Lunes, Oktubre 26, 2020, sinabi ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-5 anibersaryo ng pagkaroon ng Paris Agreement. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng iba’t ibang panig, na magkasamang pasulungin ang komprehensibo’t mabisang pagpapatupad ng nasabing kasunduan, at magkakapit-bisig na buuin ang makatarungang mekanismo ng pagsasaayos sa klima na may kooperasyon at win-win situation.
 

Ipinatalastas nang araw ring iyon ni Punong Ministro Yoshihide Suga ng Hapon na isasakatuparan ng kanyang bansa ang pagiging carbon neutral bago ang taong 2050.
 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhao ang mainit na pagtanggap at paghanga ng panig Tsino tungkol dito. Aniya, ang nasabing hakbang ng Hapon ay makakatulong sa pagpapalakas ng komong pagpupunyagi ng komunidad ng daigdig sa pagharap sa pagbabago ng klima.
 

Dagdag niya, napapanatili ng Tsina at Hapon ang mainam na pag-uugnayan sa larangan ng pagharap sa pagbabago ng klima. Nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin, kasama ng panig Hapones, ang pagtalakay hinggil sa berdeng pagbangon pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Salin: Vera

Please select the login method