Naging bagong rekord ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na iniulat noong nakaraang linggo sa buong mundo sapul nang kumalat ang pandemiyang ito.
Ipinahayag ito Oktubre 26, 2020, sa regular na preskon ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO).
Ipinahayag din niya na maaaring kontrolin ang pagkalat ng virus kung isasagawa ng mga lider ang mabilis at maayos na aksyon, pero ang pagsasapulitika ng pandemiya ay posibleng magdulot ng mas maraming kamatayan.
Naging bagong rekord din kamakailan ang kumpirmadong kaso ng COVID19 sa Europa. Ipinaalam ng WHO na ang hakbangin ng Europa sa pagpigil sa pandemiya ay mas mabagal kumpara sa bilis ng pagkalat ng pandemiya doon. Dapat mas mabilis ang Europa sa larangang ito kung gusto nilang kontrolin ang pandemiya.
Salin:Sarah