Noong panahon ng Ika-13 Panlimang Taong Plano, kinumpirma ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pangkalahatang patakarang nagbibigay preperensya sa pagpapaunlad ng agrikultura at mga usaping pangkabukiran, isinagawa ang mahalagang estratehiya ng pagpapaunlad sa kanayunan, at natamo ang pangkasaysayang bunga.
Ito ang ipinahayag ng Ministri ng Agrikultura at mga Pangkabukirang Suliranin ng Tsina sa preskong idinaos ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina noong Oktubre 28, 2020.
Ipinahayag ni Liu Huanxin, Pangalawang Ministro ng Agrikultura at mga Pangkabukirang Suliranin ng Tsina, na noong panahon ng Ika-13 Panlimang Taong Plano, natamo ang bagong pag-unlad sa konstruksyon ng modernong agrikultura at paghulagpos sa kahirapan, at walang humpay ring pinalalim ang reporma sa kanayunan.
Si Liu Huanxin, Pangalawang Ministro ng Agrikultura at mga Pangkabukirang Suliranin ng Tsina
Sa darating na Ika-14 na Panlimang Taong Plano (mula 2021 haggang 2025), aktibo aniyang isasagawa ng Tsina ang mga mahalagang estratehikong proyekto sa larangang agrikultural.
Salin:Sarah