Pagbangon ng ekonomiyang Tsino, makakatulong sa Pilipinas; CIIE, mahalaga sa trade liberalization at pagtutuon ng pansin sa pangangailangan ng mga mamimiling Tsino

Share with:

Pagbangon ng ekonomiyang Tsino, makakatulong sa Pilipinas; CIIE, mahalaga sa trade liberalization at pagtutuon ng pansin sa pangangailangan ng mga mamimiling Tsino

Lumaki ng 0.7% ang ekonomiya ng Tsina sa unang tatlong kuwarter ng taong ito. Sa kabila ng mga hamong dulot ng pandemiya ng COVID-19, ang mabilis at matatag na pagbangon ng ekonomiyang Tsino mula sa epektong dulot ng pandemiya ay magkakaroon ng trickle-down effect o kapakinabangan sa mga trade partners na gaya ng Pilipinas.

Ito ang pananaw ni Commercial Vice Consul Mario Tani ng Philippine Trade and Investment Center Shanghai.

Pagbangon ng ekonomiyang Tsino, makakatulong sa Pilipinas; CIIE, mahalaga sa trade liberalization at pagtutuon ng pansin sa pangangailangan ng mga mamimiling Tsino

Si Commercial Vice Consul Mario Tani (file photo)

Ibinahagi rin niya sa eksklusibong panayam ng China Media Group Filipino Service, na ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trading partner, at top export market ng Pilipinas na may saklaw na 27% sa kabuuang export ng bansa. Kasabay nito, ang Tsina ang ikalawang pinakamalaking importer at consumer sa buong mundo. Malaking bahagi ng supply and value chains ng daigdig ang nakasalalay sa pakikipagkalakalan sa Tsina.

Ang higit na pagbubukas ng ekonomiyang Tsino ani Tani ay mahalagang oportunidad para sa mga partner countries gaya ng Pilipinas. Mainit na tinatanggap ng bansa ang mga hakbang ng Tsina at angkop ito sa kagustuhan ng Pilipinas na palakihin pa ang pamumuhunan mula sa Tsina.

Paliwanag ng Commercial Vice Consul ng Pilipinas sa Shanghai, ang mga patakaran para sa higit na pagbubukas at pagpapabuti ng market environment ay nangangahulugan ng mas mataas na interes sa pagkuha ng mga produktong Pilipino at pagkakaroon ng pagkakataon para sa industrial capacity cooperation na kapakipakinabang sa dalawang panig.

Ayon pa kay Tani, malaki rin ang interes ng Tsina sa paglalagak ng puhunan sa buong value chain ng food production, handling, processing at trading na hangad ay pataasin ang mga kapasidad di lamang para sa bilateral markets kundi para sa third markets. Alok nito'y mas maraming oportunidad para sa kolaborasyong Pilipino-Sino sa pagkain at agribusiness.

Middle class na Tsino, mas magiging pihikan sa mga bilihin

Ang Tsina ay may 1.4 na bilyong populasyon at itinuturing bilang pinakamalaking ekonomiya kung pag-uusapan ang GDP na nakabatay sa Purchasing Power Parity (PPP).

Naniniwala si Tani na ang lumalaking middle class ng Tsina, na inaasahang aabot sa 550 million sa taong 2021 ay magdududot ng paglaki sa pangangailangan para sa mas de-kalidad na produkto at pagpili sa mas malusog na pamumuhay. Maaaring ialok ng Pilipinas ang sariwang prutas at gulay, marine products, niyog at iba pang mga healthy and natural na pagkain at inumin.

Kaya isang magandang pagkakataon ang pagsali sa Ikatlong China International Import Expo (CIIE). Gaganapin ito mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre sa Shanghai. Ang CIIE ay isang ekspo ng Tsina na eksklusibo sa mga dayuhang kompanya para ibenta nila ang mga produkto sa pamilihang Tsino.

Saad ni Tani, ang pagtutuon ng pansin sa mga pangangailangan ng pamilihang Tsino ay patuloy na mag-aalok ng oportunidad para sa Pilipinas habang ang mga Chinese consumers ay naghahanap ng mga produktong mas mataas ang kalidad lalo na mga pagkaing mabuti sa katawan, natural at sariwa. Ang mga kapit-bansang tulad ng Pilipinas, ay nasa mabuting posisyon para magbigay ng nasabing mga pangangailangan dahil mabilis itong makakarating sa Tsina sa loob lang ng ilang araw.

Ito ang ikatlong paglahok ng Pilipinas sa CIIE. Noong 2019, sa Ika-2 CIIE, umabot sa USD 430M ang business leads ng Pilipinas. Sa halagang ito, USD 162.24M ang export sales mula sa 32 food exhibitors. Sa 2020, may 40 exhibitors ang Food Philippines pavilion na tampok ang healthy and natural na pagkain.

Pagbangon ng ekonomiyang Tsino, makakatulong sa Pilipinas; CIIE, mahalaga sa trade liberalization at pagtutuon ng pansin sa pangangailangan ng mga mamimiling Tsino

Seremonya ng pagbubukas ng Philippine Pavilion sa ika-2 CIIE (file photo)

Pagbangon ng ekonomiyang Tsino, makakatulong sa Pilipinas; CIIE, mahalaga sa trade liberalization at pagtutuon ng pansin sa pangangailangan ng mga mamimiling Tsino

Mga opisyales na Pinoy sa labas ng Philippine Pavilion sa unang CIIE (file photo)

Pagpapalakas ng domestic market maganda kung may trade liberalization

Bilang pagpapatupad ng Tsina sa pangako nitong ibayo pang pagbubukas sa labas sa new normal, ang taunang CIIE ay isa sa mga pangunahing platapormang magpapasulong ng pandaigdig na kooperasyong pangkabuhayan at maalwang daloy ng global supply chain.

Hinggil dito sinabi ni Tani na kapuna-puna ang global trend na nagpapakita ng lumalaking pangangalaga sa domestikong pang-ekonomikong interes. Bagamat may kabutihan ito, ang mga ekonomiya ng daigdig ay nakasalalay sa isa't-isa, ang pagbibigay priyoridad sa domestic market ay makakabuti kung mariing susuportahan ang trade liberalization.

Naniniwala si Tani na ang Ikatlong CIIE at ang susunod pang mga edisyon nito ay magandang daan tungo sa mithiing ito.

Ulat: Mac Ramos
Edit: Jade
Larawan: CGTN/Mario Tani

Please select the login method