Maling pananalita ng Amerika sa “2+2”diyalogo, mahigpit na kinondena ng Tsina

2020-10-28 16:41:41  CMG
Share with:

Sa pahayag na ipinalabas Oktubre 27, 2020 ng Embahadang Tsino sa India, mahigpit nitong kinondena ang mga paninirang-puri nina Mike Pompeo, Kalihim ng Estado at Mark Esper, Ministrong Pandepansa ng Amerika, sa Tsina at Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa kanilang paglahok sa “2+2” diyalogo sa India.

Tinukoy din sa pahayag na ang mga pananalita at aksyon nina Pompeo at iba pang politikong Amerikano ay lumalabag sa prinsipyo ng relasyong pandaigdig at pundamental na prinsipyo ng diplomasya.

Maling pananalita ng Amerika sa “2+2”diyalogo, mahigpit na kinondena ng Tsina_fororder_indiapompeo

Si Mike Pompeo/file photo

Sinabi pa ng pahayag na ang mga pananalita at aksyon ng nasabing mga opisyal Amerikano ay nagpapakita ng kanilang pagkiling sa ideya ng Cold War at bias sa idelohiya.

 

Buong tatag itong tinututulan ng Tsina, diin ng pahayag.

 

Anito, hinihimok ng Tsina ang Amerika na igalang ang katotohanan, itigil ang pagkakalat ng kasinungalingang “banta ng Tsina,” at ihinto ang maling aksyon na nakakasira ng kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

Maling pananalita ng Amerika sa “2+2”diyalogo, mahigpit na kinondena ng Tsina_fororder_india

Pahayag ng Embahadang Tsino sa India

Salin:Sarah

Please select the login method