Idinaos Oktubre 27, 2020, sa New Delhi ng India, ang “2+2” diyalogo na nilahukan ng mga Ministrong Panlabas at Ministro ng Tanggulang Bansa ng India at Amerika.
Nilagdaan ng dalawang panig ang “Basic Exchange and Cooperation Agreement (BECA), ” na magiging daan upang magbahaginan ng mga heograpikal na impormasyon, at lalo pang magpapalakas sa kooperasyong pangmilitar ng dalawang panig.
Ipinahayag ng media ng India na ang pagkakalagda sa BECA ay nangangahulugang maaari nang magbabahaginan ng mahahalaga at sensitibong impormasyon ang India at Amerika.
Bukod pa riyan, puwede na ring bumili ang India ng mga maunlad na sandata mula sa Amerika, na tulad ng drone at iba pa.
Ito ang ikatlo nang “2+2” diyalogo sa pagitan ng India at Amerika.
Nauna rito, sa magkakahiwalay na okasyon, idinaos ng dalawang panig ang “2+2” diyalogo sa New Delhi noong 2018, at sa Washington noong 2019, kung saan tinalakay ang mga temang tulad ng pagpapalakas ng kooperasyong pandepansa at estratehikong partnership.
Salin:Sarah