Pabibilisin ng Tsina ang pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kakayahang pansiyensiya't panteknolohiya.
Mababasa ito sa ika-14 na Panlimahang Taong Plano para sa Pambansang Kaunlarang Pangkabuhaya't Panlipunan (2021-2025), na inilabas nitong Huwebes, Oktubre 29.
Para rito, patuloy na pabubutihin ng Tsina ang pambansang sistemang pang-inobasyon, at hihikayatin ang mga indibiduwal at kompanya na paunlarin ang kakayahang pang-inobasyon. Bunga nito, itatatag ang bansa na malakas sa pagyari, digital at mga bagong industriya.
Inilabas ng Tsina ang komunike sa kapipinid na Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Tampok sa kumunike ang naturang pambansang plano at Long-Range Objectives Through the Year 2035.
Salin: Jade
Pulido: Mac