Tsina sa Amerika: agarang itigil ang pagsira sa relasyon ng ibang bansa

2020-10-29 17:55:17  CMG
Share with:

 

 

Tsina sa Amerika: agarang itigil ang pagsira sa relasyon ng ibang bansa

Hinimok, Oktubre 28, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Minstring Panlabas ng Tsina ang ilang politikong Amerikano na agarang itigil ang maling aksyong na nakakasira sa relasyon sa pagitan ng ibang bansa.

 

 

Sa panahon ng maigting na kalagayan sa hanggahan ng Tsina at India, pinalakas ng Amerika ang relasyong pangmilitar nito sa India.

 

Hinggil dito, naninindigan ani Wang ang Tsina na ang pagpapaunlad ng bilateral na relasyon ng iba’t ibang bansa ay dapat makabuti sa kapayapaan, kataagan at kaunlaran ng rehiyon, at hindi dapat sumira ng lehitimong karaptan ng ikatlong panig.

 

Aniya pa, ang kalagayan sa hanggahan ng Tsina at India ay suliranin ng dalawang bansa.

 

Sinabi pa niyang kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang situwasyon doon, at maalwan ang komunikasyon ng dalawang panig.

 

Nilulutas ng Tsina at India ang mga isyu sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah 

Please select the login method