ASEAN, priyoridad ng diplomasyang pangkapitbansa ng Tsina, at masusing rehiyon ng konstruksyon ng BRI

2020-10-29 17:55:54  CMG
Share with:

ASEAN, priyoridad ng diplomasyang pangkapitbansa ng Tsina, at masusing rehiyon ng konstruksyon ng BRI

 

Ipinahayag Oktubre 28, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay palaging priyoridad ng diplomasyang pangkapitbansa ng Tsina.

Ito rin aniya ay rehiyon para sa masusing konstruksyon ng Belt and Road Initiative (BRI).

Kaugnay nito, kasabay ng ASEAN Senior Officials' Meeting (SOM) sa Biyetnam, idinaos din Oktubre 27, 2020, ang virtual meeting sa pagitan nina Luo Zhaohui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Nguyen Quoc Dung, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Biyetnam.

 

Sa naturang virtual meeting, nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa darating na Pulong ng mga Lider ng Silangang Asya sa gitnang dako ng Nobyembre.

 

Kapwa nilang ipinalalagay na dapat ipakita ang pagkakaisa, pagkakasundo, at pagtutulungan sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Samantala, sinabi ni Wang na matibay na sinusuportahan ng Tsina ang sentral na katayuan ng ASEAN sa kooperasyon ng Silangang Asya, para mapangalagaan ang pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyong ito.

 

Aniya pa, sa harap ng pandemiya ng COVID-19, magkakapit-bisig at nagtutulungan ang Tsina at ASEAN.

 

Sa taong 2020, ang ASEAN ay naging pinakamalaking trade partner ng Tsina, na lubos na nagpapakita ng malaking pontensyal ng kooperasyon ng dalawang panig, dagdag niya.

 

Ang susunod na taon ay Ika-30 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Pandiyalogo ng Tsina at ASEAN.

 

Kaugnay nito, nakahanda ani Wang ang Tsina na samantalahin ang pagkakataong ito, kasama ng ASEAN, para patingkarin ang namumunong papel ng relasyon ng dalawang panig, at pasulungin ang kapayapaan at pag-unlad ng rehiyong Silangang Asya.

 

Salin:Sarah

Please select the login method