Tsina, lalo pang palalawakin ang kooperasyon at pagbubukas sa labas sa larangan ng siyensiya at teknolohiya

Share with:

Balak ng pamahalaang Tsino na sarilinang palakasin ang siyensiya at teknolohiya bilang estratehikong suporta ng pag-unlad ng bansa. Igigiit din ang inobasyon bilang sentro ng pangkalahatang kalagayan ng modernisasyon ng Tsina.

Ibinahagi ito sa news briefing na idinaos Oktubre 30, 2020 ni Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina. Sinabi rin niya na hindi magkataliwas ang pagsasarili at pagpapalakas ng siyensiya at teknolohiya, at ang kooperasyon at pagbubukas sa labas. Mas malaki ang hakbang ng Tsina sa pagpapalawak ng kooperasyon at pagbubukas sa labas ng siyensiya at teknolohiya.

Ipinahayag niyang nakahanda ang Tsina na patuloy na isasagawa ang diyalogo at pagpapalitan sa iba't ibang bansa ng daigdig sa larangan ng siyensiya at teknolohiya at inobasyon, para matamo ang mas maraming komong palagay sa pagsasaayos sa siyensiya at teknolohiya sa buong daigdig.

Nakahanda rin ang Tsina na ipagkaloob ang pantay-pantay na pagkakataon at maginhawang kondisyon para sa mga talentong dayuhan sa Tsina.

Salin:Sarah

Please select the login method