Tsina: Lalo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas

2020-10-30 18:03:06  CMG
Share with:

 

 
Palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas, palalawakin din ang pagaaproba ng paglahok sa Tsina ng mga negosyong may puhunang dayuhan, para makaakit ang Tsina ng mas maraming mabuting yaman mula sa buong mundo. Ipinahayag ito  ni Han Wenxiu, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Komite Sentral sa mga Suliraning Pinansyal at Ekonomiko, sa news briefing na idinaos Oktubre 30,2020 sa Beijing ng Komite Sentral ng CPC.
 
Binigyan-diin niya na ang pagkakatatag ng bagong estruktura ng pag-unlad ay hindi mangangahulugang pagbababa ng katayuan ng patakaran ng pagbubukas sa labas. Sa hinaharap, palagiang palalawakin ng Tsina ang saklaw ng pagluluwas at pag-aangkat, paggamit ng puhunang dayuhan, at pamumuhunan sa ibayong dagat. Tiyak na pataasin nito ang katayuan ng Tsina sa buong daigdig.
 
Salin:Sarah

Please select the login method