Sa katatapos na pulong ng liderato ng naghaharing partido ng Tsina, pinagtibay ang mahalagang dokumento tungkol sa mga mungkahi sa pagbalangkas ng pangkalahatang plano para sa pambansang kaunlarang pangkabuhaya't panlipunan sa darating na limang taon, at mga pangmalayuang target sa pambansang kanluran hanggang sa taong 2035.
Sa kasalukuyang daigdig, maraming mga walang-katatagang elemento na dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019, mahinang kabuhayan at kalakalang pandaigdig, mga hadlang sa globalisasyong pangkabuhayan, pagsasagawa ng ilang bansa ng unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan, at iba pa.
Habang hindi alam ng sangkatauhan kung ano ang mangyayari sa hinaharap, at hindi maliwanag ang kinabukasan, kailangan ang mga matatag na elemento, para muling magkaroon ng kompiyansa sa darating na panahon.
Ito ang gustong idulot ng Tsina, sa pamamagitan ng paggawa ng plano para sa pag-unlad hindi lamang sa darating na limang taon, kundi rin sa mas mahabang labinlimang taon sa hinaharap. Dahil itatakda ng Tsina ang mga patakaran batay sa pangmalayuang pananaw, inaasahang magiging tuluy-tuloy at hindi magkakaroon ng malaking pagbabago ang mga patakaran. Bilang responsableng malaking bansa, maaaring lumikha ang Tsina ng pangmatagalang katatagan para sa buong mundo.
Hindi puwedeng umunlad ang Tsina, kung mahihiwalay ito sa daigdig; at hindi naman magiging masagana ang daigdig, kung walang ambag na ibibigay ang Tsina. Ipinakikita ng pahayag na ito ang relasyon sa pagitan ng pag-unlad ng Tsina at daigdig.
Para ibayo pang pahigpitin ang relasyong ito, inilakip sa nabanggit na dokumento ang mahalagang nilalaman tungkol sa pagsasagawa ng Tsina ng bagong modelo ng pag-unlad na "dual circulation," kung saan patitingkarin ang pangunahing papel ng domestic economy cycle, at palalakasin ang isa't isa ng domestic economic cycle at international economic cycle.
Ibig sabihin, habang patuloy na pinalalawak at pinalalalim ng Tsina ang pagbubukas sa labas, ibayo pa rin nitong gagalugarin ang pangangailangang panloob. Sa ilalim ng modelong ito, magiging mas malaki ang domestikong pamilihan ng Tsina, at mangangahulugan ito ng mas maraming pagkakataon para magnegosyo at mamuhunan ang ibang bansa sa Tsina. Sa gayon, patitingkarin ng pamilihang Tsino ang mas malaking papel para sa pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig, na makakatulong sa pagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan at komong kasaganaan ng Tsina at iba't ibang bansa ng daigdig.
Maaaring sabihin, sa ilalim ng bagong plano sa pag-unlad, maghahangad ang Tsina ng kaunlarang may mas mabuting kalidad at pagbubukas sa mas mataas na lebel. Inaasahan itong makakapagbigay ng mas matatag na kompiyansa sa kabuhayang pandaigdig sa harap ng pandemiya, at makakapagdulot ng mas maraming pagkakataon para sa iba't ibang bansa.
Reporter: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos