Ayon sa Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong Oktubre, 51.4 ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng bansa sa mga sektor ng manupaktura, 56.2 naman ang PMI sa mga sektor na hindi kabilang sa manupaktura.
Kung ihahambing sa mga datos noong nagdaang Setyembre, ang PMI sa mga sektor ng manupaktura ay mas mababa ng 0.1. Pero, nananatili pa rin ito sa positibong bahagdan na mas mataas kaysa 50, at ipinakikita nito ang paglago ng industriya ng manupaktura ng Tsina.
Samantala, ang PMI sa mga sektor na hindi kabilang sa manupaktura ay tumaas ng 0.3. Ito ay bunga ng tuluy-tuloy na pagbangon ng sektor ng serbisyo at industriya ng konstruksyon ng Tsina.
Salin: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos