CMG Komentaryo: Kung mas malakas ang mapanlikhang kakayahan ng Tsina, mas masigla ang pag-unlad ng daigdig

2020-11-01 12:20:47  CMG
Share with:

Ayon sa mungkahing nakasaad sa “Ika-14 Panlimahang-Taong Plano” na pinagtibay kamakailan ng Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), dapat igiit ang nukleong katayuan ng inobasyon sa pangkalahatang modernong konstruksyon ng Tsina.

 

Dapat anito gawing estratehikong sandigan ang siyensiya’t teknolohiya sa pag-unlad ng bansa, at dapat din itong ipauna sa iba’t-ibang plano at tungkulin.

 

Ipinakikita nito ang napakalaking katuturan ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.

 

Sa kasalukuyan, lumilitaw ang malalim na pagbabago sa kapaligirang pangkaunlaran sa loob at labas ng bansa.

 

Sa loob ng bansa, walang tigil na humihina ang bisa ng modelo ng economies of scale na nakapokus sa konstruksyon sa imprastruktura. Labis na kinakailangan ang bagong sustenableng enerhiyang tagapagpasulong para sa pag-unlad ng kabuhayan sa hinaharap.

 

Walang duda, ang bagong round ng rebolusyong pansiyensiya’t panteknolohiya at pagbabago ng industriya ay nakakapagbigay ng bagong pagkakataon para sa pagbabago at pag-u-upgrade ng kabuhayan, at pagsasakatuparan ng de-kalidad na pag-unlad ng Tsina.

 

Sa labas ng bansa, kasunod ng pag-usbong ng unilateralismo at proteksyonismo, nagdudulot ng grabeng kapinsalaan ang kontra-globalisasyon sa kapaligiran ng pandaigdigang pamilihan.

 

Kaugnay nito, kailangang palakasin ng Tsina ang pagsubok-yari ng sariling teknolohiya at pasulungin ang sariling paglakas ng nukleong teknolohiya, upang maalwang umusbong ang mga larangan ng sophisticated technique sa hinaharap upang maigarantiya ang pambansang seguridad.

 

Ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya ng Tsina ay hindi maihihiwalay sa daigdig, at kinakailangan din ng pagsulong ng siyensiya’t teknolohiya ng daigdig ang Tsina.

 

Malinaw na ipinahayag ng pinakamataas na lider Tsino ang kahandaan ng Tsina na ibahagi ang pinakahuling bungang pansiyensiya’t panteknolohiya na kinabibilangan ng 5G technology, sa iba’t-ibang bansa.

 

Ipinangako rin niyang makaraang matagumpay na masubok-yari ng Tsina at magamit ang COVID-19 vaccine, gagawing pampublikong produkto para sa ikabubuti ng buong daigdig ang bakuna.

 

Ito ang aktuwal na ambag na nagawa ng “mapanlikhang Tsina” para harapin ang hamong pandaigdig at mapasulong ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

 

Salin: Lito

Please select the login method