Ayon sa ulat kahapon, Linggo, Nobyembre 1, 2020, ng Kagawaran sa Pagbubuwis ng Estado ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, halos 2.1 trilyong yuan RMB na buwis ang ibinawas ng bansa.
Kabilang dito, mahigit 1.3 trilyong yuan ang ini-awas sa mga negosyong apektado ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dagdag ng naturang kagawaran.
Ayon pa sa mga may kinalamang opisyal ng kagawaran, matatag na napapanumbalik ang kasiglahan ng iba’t ibang negosyo ng Tsina, kasunod ng pagsasagawa ng mga hakbangin ng pagbibigay-tulong sa kanila para sa makahulagpos sa kahirapang dulot ng pandemiya.
Salin: Liu Kai