Tunay na malinamnam ang mga prutas na mula sa Pilipinas. At ilan sa mga ito ay mabiling-mabili sa mga Tsino.
Malaki ang naitutulong ng China International Import Expo (CIIE) para makapasok ang mga produkto at panindang Pinoy sa Tsina.
Sa Ika-3 CIIE na gaganapin Nobyembre 5-10, makikipagsabayan ang Pilipinas sa maraming bansa sa mundo. Ibinahagi ni Ms. Ana Abejuela, Agriculture Counselor ng Pilipinas sa Tsina ang estratehiya at mga target ng kaniyang kagawaran upang higit na tumaas ang bolyum ng pagluluwas sa Tsina sa video na ito. Panoorin po natin.
Ulat: Mac
Video: Wang Zixin