Handa na ang lahat ng preparasyon para sa nakatakdang pagbubukas sa Nobyembre 5, 2020 ng Ika-3 China International Import Expo (CIIE) sa lunsod ng Shanghai, gawing silangan ng Tsina.
Kaugnay nito, pinalaki ng 14% ang saklaw na lugar para sa eksibisyon ng mga produkto at serbisyo kumpara noong 2019.
Sa kauna-unahang pagkakataon, halos 50 sa Top 500 kompanya ng daigdig ay lalahok sa Ika-3 CIIE.
Bukod pa riyan, ilampung kompanya ang pumirma na rin ng kasunduan ng paglahok sa CIIE sa darating na 3 taon.
Isasapubliko rin sa kauna-unahang pagkakataon ang ilang daang bagong paninda, bagong teknolohiya at bagong serbisyo sa Ika-3 CIIE.
Dahil sa kasiglahan ng kabuhayang Tsino, at kapasiyahan ng pamahalaan ng Tsina na palagiang pasulungin ang pagbubukas sa labas, bago ang opisyal na pagbubukas ng Ika-3 CIIE, ipinahayag ng maraming kompanya ang pagdaragdag ng pamumuhunan sa Tsina, at kabilang sa mga kompanyang ito ay mga kilalang tatak na Miji, Estee Lauder at iba pa.
Salin:Sarah