Ini-ulat kamakailan ng Reuters, na sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), naisakatuparan ng Tsina ang paglago ng kabuhayan, at ito ay magandang balita para sa iba't ibang bansa, lalung-lalo na sa mga bansang Asyano.
Ayon sa ulat, noong nagdaang Setyembre, ang pag-aangkat ng Tsina ay lumaki ng 13.2% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at kabilang dito, lalong lumaki ang pag-aangkat ng mga semiconductor product.
Ito ay mabuti para sa mga bansang nagpoprodyus ng mga produktong ito, na gaya ng Timog Korea, ayon sa pag-aanalisa ng ulat.
Dagdag pa nito, dahil sa malaking pangangailangan ng Tsina sa mga non-ferrous metal, chip manufacturing equipment, at sasakyan, hanggang noong Setyembre ng taong ito, lumaki ng 14% ang pagluluwas ng Hapon sa Tsina, at ito ay pinakamabilis na paglaki nitong nakalipas na mahigit dalawang taon.
Salin: Liu Kai