Lumabas kamakailan ang hatol ng hukom ng Pennsylvania ng Amerika na nagpapawalang-bisa sa ban ng Departamento ng Komersyo ng Amerika sa TikTok.
Hinggil dito, ipinahayag Nobyembre 2, 2020, sa preskon sa Beijing, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang Tsina na igagalang ng Amerika ang market economy at prinsipyo ng patas na kompetisyon, susundin ang regulasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng daigdig, at ipagkakaloob ang bukas, pantay, makatarungang kapaligiran na walang diskriminasyon para sa mga kumpanya ng iba't ibang bansa.
Sa mula’t mula pa’y, tinututulan ng Tsina ang bully-like o mapanggipit na aksyon ng Amerika sa pamamagitan ng pag-abuso ng konsepto ng seguridad ng bansa at paglilimita sa mga negosyo ng ibang bansa.
Salin:Sarah