Ginanap dito sa Beijing nitong Lunes, Nobyembre 2, 2020 ang 2020 Global Energy Interconnection (Asia) Conference na may temang “Green Low-carbon Sustainable Development.”
Ipinalalagay ng mga kalahok na personaheng Tsino at dayuhan na ang pagtatatag ng global energy interconnection, at pagsasakatuparan ng pagtigil ng pag-unlad ng enerhiya na nakasalalay sa karbon at pag-unlad ng kabuhayan nang walang ibinubugang karbon ay maaaring lumutas sa kontradiksyon sa pagitan ng kaunlaran at pagbabawas sa emisyon na kinakaharap ng iba’t ibang bansa sa mahabang panahon.
Ang Asya ay isa sa mga rehiyong may pinakamalaking kasiglahan at nakatagong lakas sa buong mundo, ito rin ang pangunahing rehiyon ng konstruksyon ng global energy interconnection.
Ang pagpapasulong sa kooperasyon ng Asya sa enerhiya ay makakapagpatingkad ng malaking lakas-panulak para sa paglago ng kabuhayang panrehiyon. Samantala, makakapagpayaman din ito ng nilalaman ng bilateral at multilateral na kooperasyon ng rehiyon, at makakapagpasulong sa seguridad at katatagan ng rehiyon.
Ang nasabing konperensya ay magkakasamang itinaguyod ng Global Energy Interconnection Development and Cooperation Organization, Economic and Social Commission for Asia and the Pacific ng United Nations (UNESCAP), at Economic and Social Commission for Western Asia (ESCWA) ng UN.
Salin: Vera