Mga mahalagang pahayag ni Xi Jinping sa nagdaang dalawang CIIE

2020-11-03 17:52:04  CMG
Share with:

Mga mahalagang pahayag ni Xi Jinping sa nagdaang dalawang CIIE

Bubuksan bukas, Miyerkules, ika-4 ng Nobyembre, 2020 sa Shanghai ang Ika-3 China International Import Expo (CIIE).

 

Sa pamamagitan ng video link, bibigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Sa mga seremonya ng pagbubukas ng nagdaang dalawang CIIE, kapwa bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi, at inilahad niya ang paninindigan sa kalagayan ng kabuhayang pandaigdig at pagpapasulong ng pagbubukas at pagtutulungan.

 

Narito ang ilan sa mahahalagang pahayag ni Pangulong Xi.

 

Unang CIIE, Nobyembre 5, 2018

 

Ang globalisasyong pangkabuhayan ay hindi maibabalik na tunguhin ng kasaysayan, na nagbibigay ng malaking lakas sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Ang pagbubukas at pagtutulungan ay pangunahing elementong nakakapagpalakas ng kasiglahan ng pandaigdigang kabuhayan at kalakalan. Mahalaga ito para sa hindi lamang matatag na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, kundi maging ng walang humpay na progreso ng lipunan ng sangkatauhan.

 

Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, pinauunlad ng Tsina ang sarili, at dinaragdagan ang benepisyo sa daigdig.

 

Ang Tsina ay laging nagpapasulong ng pagbubukas ng buong mundo, nagkakaloob ng lakas sa paglago ng kabuhayang pandaigdig, at nagbibigay ng ambag sa reporma sa pandaigdigang sistema ng pangangasiwa. Ang Tsina rin ay nananatiling malaki at masiglang pamilihan, kung saan puwedeng galugarin ng iba’t ibang bansa ang mga pagkakataong pangnegosyo.

 

Ika-2 CIIE, Nobyembre 5, 2019

 

Sa pamamagitan ng mas bukas na atityud at mga hakbangin, dapat magkakasamang palakihin ng iba’t ibang bansa ang pamilihang pandaigdig, ipatupad ang mekanismo ng pagbabahaging pandaigdig, at pasiglahin ang pagtutulungang pandaigdig. Samantala, dapat magkakasamang dagdagan ng iba’t ibang bansa ang lakas, at bawasan ang balakid sa globalisasyong pangkabuhayan.

 

Habang dumarami ang pagpapalagayan ng iba’t ibang bansa sa pandaigdigang integrasyong pangkabuhayan, natural ang pagkakaroon ng mga pagkakaiba at hidwaan. Dapat lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasanggunian, pagtutulungan, at pantay-pantay na pakikitungo sa isa’t isa.

 

Napakalaki ng pamilihang Tsino, at tinatanggap ng bansa ang lahat para hanapin ang mga pagkakataon.

 

Ang pag-unlad ng Tsina ay bahagi ng progreso ng buong sangkatauhan. Bukas ang Tsina sa iba’t ibang bansa, at ipagkakaloob sa kanila ang mas maraming pagkakataon para sa negosyo, pamumuhunan, at komong pag-unlad.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method