22 trilyong dolyares, tinatayang halaga ng pag-aangkat ng Tsina sa susunod na 10 taon

2020-11-04 22:52:44  CMG
Share with:

Sa susunod na 10 taon, tinatayang lalampas sa 22 trilyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat ng Tsina.

Ito ang winika ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang naka-video na talumpati sa seremonya ng pagbubukas ngayong gabi ng ika-3 China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, Tsina.

Ani Xi, bilang isa sa mga pamilihan ng daigdig na may pinakamalaking potensyal, 1.4 bilyon ang populasyon ng Tsina at mahigit 400 milyon ang bilang ng middle class ng bansa.

40 exhibitors mula sa Pilipinas ang kabilang sa mga kalahok sa kasalukuyang ekspo. Healthy and natural ang pokus ng Food Philippines Pavilion. Idaraos ito hanggang Nobyembre 10. Ito ang ikatlong paglahok sa CIIE ng Pilipinas.  

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method