Hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang pakikialam sa mga suliranin at usaping hudisyal ng Hong Kong.
At agarang itigil ang anumang anyo ng pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Ipinahayag ito Nobyembre 3, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa regular na presscon sa Beijing.
Mahigpit na kinondena Nobyembre 2, ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang pagdakip sa 8 politikong oposisyon sa Hong Kong.
Hinggil dito, tinukoy ni Wang na ang Tsina ay isang law-based country at ang Hong Kong ay lipunang sumusunod sa batas. Isinasakatuparan ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang resposibilidad nito ayon sa batas, at hindi maaari itong batikusin ng Amerika.
Dagdag niya, ang Hong Kong ay espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina.
Buong tatag aniyang tinututulan ng lahat ng mamamayang Tsino, kasama na ang mga kababayan ng Hong Kong, ang anumang sabwatang balak sumira sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.
Hindi magtatagumpay ang anumang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina, diin ni Wang.
Salin:Sarah