UN, matatag na sumusuporta sa Paris Agreement

2020-11-05 16:40:51  CMG
Share with:

 

 

Ipinahayag Nobyembre 4, 2020 ni Stéphane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na buong tatag na susuportahan ng UN ang Paris Agreement.

 

Aniya pa, napakahalaga ang pagbabawas ng pagbuga ng carbon dioxide sa hangin, pagkontrol sa pagbabago ng klima, at pangangalaga sa mundo at sangkatauhan.

 

Hinggil dito, pangunguluhan aniya ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN ang Summit ng Klima, sa Disyembre 12, 2020, na siya ring Ika-5 Anibersaryo ng Paglagda sa Paris Agreement.

 

Narating noong 2015 ang Paris Agreement, at nagkabisa ito noong Nobyembre 2016.

 

Noong 2019, ipinaalam ng Amerika sa UN ang pagkalas nito sa naturang kasunduan.

 

Opisyal namang nagkabisa kahapon, Nobyembre 4, 2020, ang nasabing pagtalikod.

 

Ang Amerika ang tanging bansa na umalis sa Paris Agreement.

 

Salin:Sarah

Please select the login method