Balak ng Goodfarmer China na bilihin ang mga prutas mula sa Pilipinas na may halagang 25 milyong dolyares sa 2021.
Inilabas ang naturang plano sa aktibidad ng Procurement Commitment ng Goodfarmer China ng pag-aangkat ng saging at pinya ng Pilipinas sa susunod na taon, na ginanap sa Ika-3 China International Import Expo (CIIE) Miyerkules, Nobyembre 5, 2020.
Lumahok sa aktibidad ang delegasyong Pilipino na pinangungunahan ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina. Samantala, ang kinatawan ng Goodfarmer China ay ang General Manager ng Distribution Department na si Ginoong Zhang Jingzhen.
Sina Amba. Sta. Romana (ika-4 sa kaliwa) at G. Zhang (ika-3 sa kanan)
Ang Goodfarmer China ay isa sa mga Chinese leading importers ng prutas at gulay. Sa kasalukuyan, inaangkat ng Goodfarmer China ang mga saging, pinya, dragon fruit, kiwi, oranges at avocados mula sa Pilipinas at iba pang mga exporter na dayuhan.
Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, ipinagmamalaki ni Ms. Ana Abejuela, Agriculture Counselor ng Pilipinas sa Tsina na nangunguna sa merkadong Tsino ang saging at pinya ng Pilipinas. Mabiling mabili rin sa Tsina ang iba pang mga prutas ng Pilipinas na gaya ng mangga, abokado at papaya.
Goodfarmer China Pavilion sa CIIE
Ulat: Lito/Jade
Pulido:Mac
Larawan/Video: Lito
Video editing: Sarah