Halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina noong Oktubre, lumaki ng 4.6%

2020-11-07 16:39:33  CMG
Share with:

Nananatiling mainam ang tunguhin ng paglaki ang kalakalang panlabas ng Tsina ayon sa pahayag ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ngayong araw, Sabado, ika-7 ng Nobyembre 2020.

 

Batay sa pinakahuling estadistikang inilabas ng administrasyong ito, noong Oktubre, lumaki ng 4.6% ang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

 

Samantala, ipinakikita ng estadistika, na 1.1% ang year-on-year na paglaki ng halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina noong unang sampung buwan ng taong ito. Ito ay mas mabilis kaysa 0.7% na paglaki noong unang siyam na buwan.

 

Ayon pa rin sa naturang administrasyon, noong Oktubre, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nanatiling pinakamalaking trade partner ng Tsina. Ang Unyong Europeo at Amerika naman ay nasa ikalawa at ikatlong puwesto.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method