Ang Pudong ay distrito ng lunsod Shanghai sa dakong silangan ng Tsina.
Saklaw nito ang lugar na katumabas ng 1/8000 ng buong saklaw ng Tsina, pero ang Gross Domestic Product (GDP) nito ay katumbas ng 1/80 ng buong bansa.
Ang pagbabago nito mula sa kabukiran tungo sa “gubat ng mga gusali,” ay tumagal lamang ng 30 taon.
Umabot sa mahigit 1.27 trilyon yuan RMB ang GDP ng Pudong noong 2019, na naging 211 beses kumpara noong 30 taong nakaraan.
Makikita rito ang Shanghai Tower, na may 632 metrong taas at ikalawang pinakamataas na gusali sa buong daigdig.
Sa Pudong, lumitaw ang maraming himala ng pag-unlad ng kabuhayan.
Pumasok na ang Pudong sa bagong panahon at tiyak na magpapatuloy ang himalang ito.
Salin:Sarah