Tsina at ASEAN, magkasamang magsisikap para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng timog-silangang Asya

2020-11-09 16:33:55  CMG
Share with:

 

 

Nakipagtagpo Nobyembre 8, 2020, sa Beijing si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa mga diplomatic envoy ng 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Sinabi ni Wang na dapat lalo pang magkaisa ang Tsina at ASEAN para magdulot ng mas maraming positibong enerhiya sa katatagan at kasaganaan sa rehiyong ito.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng mga bansang ASEAN, para labanan ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Dapat buong tatag na pangalagaan ng dalawang panig ang multilateralismo at malayang kalakalan, lagdaan sa itinakdang panahon ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at magkakasamang panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, dagdag niya.

 

Positibo namang pinahahalagahan ng mga diplomatic envoy ang progresong natamo ng Tsina at ASEAN sa iba’t ibang larangan.

 

Ipinahayag din nila ang pag-asang lalo pang mapapalakas ang kooperasyon ng ASEAN sa Tsina sa larangan ng estratehiya ng pag-unlad, para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan ng rehiyon.

 

Salin:Sarah

Please select the login method