Mediang Amerikano: Biden, panalo sa halalang pampanguluhan; Tsina, nananalig na ang resulta ng halalan ay aayon sa batas at pamamaraan ng Amerika

2020-11-10 15:28:49  CMG
Share with:

 

 

Alam ng Tsina na dineklara na si Joe Biden ng tagumpay sa halalang pampanguluhan sa Amerika.

 

Sinabi ito Nobyembre 9, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, nang sagutin niya ang tanong ng CNN.

 

Binati na si Biden ng mga bansa pagkatapos ibalita ng mediang Amerikano ang tagumpay niya sa halalan. Hinggil dito, ipinahayag ni Wang na nananalig ang Tsina na ang pinal na resulta ng halalang pampanguluhan ay naaayon sa batas at mga pamamaraan ng Amerika.

 

Sinabi rin ni Wang na sa mula’t mula pa’y, naninindigan ang Tsina na dapat palakasin ng Tsina at Amerika ang diyalogo, kontrolin ang pagkakaiba batay sa paggalang sa isa’t isa, palawakin ang kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan, para pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Salin: Sarah

Please select the login method