Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati sa ika-67 Araw ng Kalayaan ng Kambodya

2020-11-10 14:46:51  CMG
Share with:

Sa okasyon ng ika-67 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Kambodya, nagpadala nitong Lunes, Nobyembre 9, 2020 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensaheng pambati kay Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya.
 

Saad ni Xi, nananalig siyang sa ilalim ng pamumuno ni Haring Sihamoni at ng kanyang pamahalaan, tiyak na matatamo ng mga mamamayang Kambodyano ang mas malaking bagong tagumpay sa usapin ng pagtatatag ng bansa.
 

Aniya, lubos na pinahahalagahan niya ang pag-unlad ng relasyong Sino-Kambodyano, at nakahandang magsikap, kasama ni Haring Sihamoni, upang palaganapin ang tradisyonal na pagkakaibigan, palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, magkakapit-bisig na harapin ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), aktibong itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa, at ihatid ang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method