Kalagayan ng karapatang pantao ng Amerika, binatikos sa UN

2020-11-11 17:04:16  CMG
Share with:

 

 

Idinaos Nobyembre 9, 2020, sa Geneva ng Swizerland, ang Ika-36 na Pulong ng Universal Periodic Review (UPR) Working Group ng Konseho ng United Nations (UN) sa karapatang pantao.

 

Kaugnay ng pagsusuri sa kalagayan ng karapatang pantao ng Amerika sa naturang pulong, mahigit 110 kinatawan ng iba’t-ibang bansa ang nagtalumpati upang batikusin ang kalagayan ng karapatang patao sa Amerika.

 

Hinimok nila ang Amerika na pawiin ang diskriminasyong panlahi, panrelihiyon, pangkasarian at iba pa.

 

Samantala, hiniling naman ng Tsina, Rusya, Cuba, Iran, Venezuela, Syria at ibang bansa sa Amerika na agarang kanselahin ang unilateral na sangsyon at pagbabawal ng paghahatid, at agarang itigil ang pakiki-alam nito sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, sa katuwiran ng karapatang pantao.

 

Salin:Sarah

Please select the login method